Kamusta? Naku! kung 'di lang na-uso 'tong Multiply na 'to eh hindi talaga 'ko gagawa neto. Pero sige, try ko na din. Makiki-uso din ako. Nga pala, hindi ako Japanese. Mahilig lang talaga 'ko sa Nippon characters. Ginawa ko na rin 'to para mawala 'yung misconception ng iba na
sossy daw ako. Eto nga ang dire-diretso ko mag-Tagalog eh. Kakulos ko pa.
Bakit
Ikimasho? Japanese term 'yun na ang ibig sabihin ay
"Let's go!". Bakit? Kasi wala naman akong pakialam. Basta sige lang ako nang sige. Tara na! Let's do this! Hehe.
Ayun lang naman. Kung ayaw mo sa Multiply page ko, press mo lang sa keyboard mo ang Ctrl+Alt+Delete>Delete. Pwede rin naman ang Windows>U>U kung Windows user ka. Kung Mac user ka naman, hindi ko alam kasi pang-mayaman lang 'yun. Kung ako naman mismo ang ayaw mo, manigas ka.
At oo nga pala, kung ampangit ng dating ng layout ko sa browser mo, malamang
you're so five minutes ago na Internet Explorer 6 pa din ang gamit mo. Da best i-check ang page na ito sa pamamagitan ng
Mozilla Firefox. Maganda rin s'yang tignan gamit ang
Apple Safari. Pero sa series of tests na ginawa ko, mukha naman s'yang
friendly sa lahat ng browsers. Hindi kasi ako hustler sa CSS layouting. Sige tumambay ka lang dito kung kelan at hanggang kelan mo gusto. Mag-iwan ka din ng mark or anything para mabisita din kita. Salamat! :)
PS'Yung header ko eh wala naman talagang ibig sabihin. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang nabuong design ko gamit ang napakalupet na Adobe Photoshop (Kung sino man ang naka-imbento neto eh isa s'yang henyo.). Mabangis lang tignan kaya nag-decide na 'ko na 'yan ang gamitin.
At si TofuBoy (Oo. Tofu s'ya. Naisip ko lang s'yang iguhit.) nga pala na nakikita mo na kumakaway dun sa gawing kanan, wala lang. Mahilig kasi akong kumain ng
fried tofu. Kung bibigyan mokku nun, magkakasundo tayo. :)